Monday, March 31, 2025

Bugtong na may larawan at sagot

 

Mga halimbawa ng bugtong tungkol sa iba't-ibang bagay.  

1.  Bugtong-pala-bugtong, 
kadenang umuugong.


2.  Puno ay buko-buko, dahon ay abaniko, 
bunga ay parasko, perdigones ang buto. 


3.  Narito na si Kaka, 
may sunong na dampa.


4.  Kung bayaan ay nabubuhay, 
kung himasin ay namamatay.

5.  Naligo  si Kapitan, 
di nabasa ang tiyan. 

6.  Letrang "C" naging "O"
  Letrang  "O" naging "C" 


7.  Isang magandang prinsesa, 
ligid na ligid ng espada. 

8.  Tungkod ni Apo, 
hindi mahipo.

9.  Aling insekto ang lumilipad,
pakpak ay laging nakabukadkad.


10.  Baboy ko sa Pasolo,
nasa loob ang balahibo.


Sagot sa Bugtong: 
1. Tren
2. Papaya
3. Pagong
4. Halaman ng makahiya
5. Bangka
6. Buwan
7. Pinya
8. Ahas
9. Tutubi
10. Mangga


Saturday, March 29, 2025

Bugtong tungkol sa mga bagay na isinusuot

 


Mga halimbawa ng bugtong na ang mga sagot ay tungkol sa mga bagay na isinusuot sa katawan:

1.  Dalawang ibong marikit, nagtitimbangan sa siit.
2.  Isa ang pinasukan, tatlo ang nilabasan.
3.  Pinilit na mabili, saka ipinambigti. 
4.  Kadena ay sinabit, sa batok nakakawit.
5.  Ikina-kabit ito sa regalo, isinasabit sa buhok ni Amparito.
6.  Ang laylayan ay maikli, patalikwas pa ang lupi.
7.  Dalawang pinipit na suman,  nagmula sa puklo at hindi sa baywang;  mag-ingat ka katawan at baka ka mahubaran. 
8.  Binatak ko ang isa, tatlo pa ang sumama.
9.  Maliit at malaki, iisa ang sinasabi.
10.  Bagamat nakatakip ay naisisilip
11.  May dila nga ngunit ayaw namang magsalita. Kambal sila't laging magkasama ang isa't isa.
12.  Ang ngalan ko ay iisa, ang uri ko'y iba-iba,  gamit ako ng balana, sa daliri makikita.
13.  Ipinalilok ko at ipinalubid, nag-higpitan ng kapit.
14.  Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.  
15.  Dala mo siya, dala ka niya. 



    Mga sagot sa bugtong
    1.  Hikaw
    2.  Kamiseta
    3.  Kurbata
    4.  Kuwintas
    5.  Laso
    6.  Pantalon
    7.  Pantalon
    8.  Panyo
    9.  Relo
    10.  Salamin sa mata
    11.  Sapatos
    12.  Singsing
    13.  Sinturon
    14.  Sombrero
    15.  Tsinelas/Sapatos


    Monday, March 24, 2025

    Bugtong tungkol sa kalikasan

     


    Mga halimbawa ng iba't-ibang bugtong tungkol sa kalikasan:

    1. May kabayo akong payat, pinalo ko ng patpat, lumukso ng pitong  gubat, nag-lagos ng pitong dagat.
    2. Manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwi ay gabi na.
    3. Palda ni Santa Maria, ang kulay ay iba-iba.
    4. Buhay na di kumikibo, patay na di bumabaho.
    5. Nagsabog ako ng binlid,  pagka-umaga ay napalis.
    6. Bumubuka ay walang bibig, ngumingiti ng tahimik. 
    7. Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo.
    8.  Nang umalis ay lumilipad,  nang dumating ay umuusad.
    9.  Lupa, tubig at kalawakan, tirahan ng sangkatauhan.
    10.  Dumaan si Negro, nangamatay ang tao. 
    11.  Hayan na, hayan na, di mo pa makita. 
    12.  Kumindat ang Sultan, natakot ang bayan.
    13.  Baka ko sa Bataan, abot dito ang unga.  
    14.  Buhos ng tubig na umaagos sa kaitaasan, tumatalon sa ilog-ilogan
    15.  Bibingka ng hari, hindi mo mahati. 
    16.  Bulak na bibitin-bitin,  di puwedeng balutin.




    Mga sagot sa bugtong:
    1. Alon
    2. Araw
    3. Bahaghari
    4. Bato
    5. Bituin
    6. Bulaklak
    7. Buwan
    8.  Ulan
    9. Daigdig
    10. Gabi
    11. Hangin
    12. Kidlat
    13. Kulog
    14. Talon
    15. Tubig
    16. Ulap



    Saturday, March 22, 2025

    Bugtong tungkol sa halaman

     


    Mga halimbawa ng bugtong na may sagot tungkol sa mga halaman:


    1.  Tinaga ko sa puno, sa dulo nagdurugo.
    2.  Patung-patong na sisidlan, may takip ay walang laman.
    3.  Nang munti pa ay may tapis, nang lumaki ay nabulislis.
    4.  Nang hinawakan ko ay namatay, nang iniwan ko ay nabuhay.
    5.  Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.





    6.  Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig, dahon ay makitid, bunga ay matulis.
    7.  Puno ko sa probinsiya,puno't dulo ay may bunga.
    8.  Nanganak ang aswang, sa tuktok nagdaan.
    9.  Nang maglihi'y namatay, nang manganak ay nabuhay.
    10.  Baboy ko sa parang, namumula sa tapang. 




     
    Mga sagot sa bugtong:
    1.  Gumamela
    2.  Kawayan
    3.  Kawayan
    4.  Makahiya
    5.  Dahon ng gabi
    6.  Palay
    7.  Puno ng Kamais
    8.  Puno ng saging
    9.  Puno ng Siniguelas
    10.  Sili
     






    Saturday, March 15, 2025

    Bugtong tungkol sa mga Insekto

     


    Mga halimbawa ng bugtong tungkol sa insekto: 

    1.  Munting anghel na lilipad-lipad, dala-dala'y liwanag sa likod ng pakpak.
    2.  Heto na si Ingkong, bubulong-bulong.
    3.  Bata pa si Sabel,  marunong nang manahi.
    4.  Isang hayop na maliit, dumudumi ng sinulid.  
    5.  Isang uod na puro balahibo, kapag nadikit sa iyo ang ulo, tiyak mangangati ang balat mo. 
    6.  Maliit pa si Kumare, marunong nang humuni.
    7.  Naghain si Lolo, unang dumulog ang tukso.
    8.  Larawan ng kabagalan, uliran ng kasipagan.
    9.  Maliit pa ang linsiyok, marunong nang manusok.
    10.  May alaga akong hayop, malaki ang mata kaysa tuhod.







      Mga Sagot:

      1.  Alitaptap
      2.  Bubuyog
      3.  Gagamba
      4.  Gagamba
      5.  Higad
      6.  Kuliglig
      7.  Langaw
      8.  Langgam
      9.  Lamok
      10.  Tutubi






        Friday, March 14, 2025

        Bugtong tungkol sa gamit sa bahay

         


        Mga halimbawa ng bugtong tungkol sa mga gamit sa bahay:

        1.  Abaruray, abarinding, kung maalinsangan ay kume-kending.
        2.  Kung gabi ay dahon, kung araw ay bumbong.
        3.  Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
        4.  Nakakatindig ng walang paa, may tiyan , walang bituka. 
        5.  Isang higanteng kahon, taguan ng kahapon. 
        6.  May leeg at katawan, walang paa at kamay.
        7.  Hinlalaki ay sinusumbreruhan, nang sa pananahi ay di nasusugatan. 
        8.  Alisto ka Pandak, darating si Pabigat.  
        9.  Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
        10.  Isang butil na palay, sakop ang buong bahay.
        11.  Ako ay may kasama sa paghingi ng awa; ako ay di umiiyak, siya ay lumuluha.  
        12.  Naririto si Pascualita, hila-hila ang bituka. 
        13.  Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. 
        14.  Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
        15.  Isang luno, dina-daig ang may buto. 
        16.  Maliit na sisidlan na ginaasan, 
        17.  Ang paa ay apat, hindi makalakad.mitsa ay nag-sasabog ng liwanag.
        18.  Bahay ng kapre, iisa ang haligi. 
        19.  Anong kabayo ang hindi tumatakbo?
        20.  Nagsaing si Kurukutong, bumubula ay walang gatong




        Mga sagot sa bugtong:
        1.  Abaniko
        2.  Banig
        3.  Basket
        4.  Baso
        5.  Baul
        6.  Bote
        7.  Didal
        8.  Dikin
        9.  Gunting
        10.  Ilaw
        11.  Kandila
        12.  Karayom at sinulid
        13.  Kubyertos
        14.  Kulambo
        15.  Kumot
        16.  Lampara
        17.  Mesa
        18.  Payong
        19.  Platsahan
        20.  Sabon





          Sunday, March 9, 2025

          Bugtong tungkol sa bahagi ng katawan

           


          Mga halimbawa ng bugtong tungkol sa iba't-ibang bahagi ng katawan:

          1.  May dalawang magkaibigan, nagpunta sa aming bayan, ang likod ay nasa harapan, ang tiyan ay nasa likuran.
          2.  Isang balong malalim, punong-puno ng patalim. 
          3.  Putol ka nang putol, hindi naman malipol.
          4.  Limang magkakapatid, laging kabit-kabit.
          5.  Napapaligiran na ng bakod, ito pa rin ay labas masok.
          6.  Kay lapit-lapit sa mata, hinding-hindi mo makita.
          7.  Sa silong naglalagi, basa pa ring lagi.
          8.  Limang magkakapatid, tigi-tig-isa ng silid.
          9.  Dalawang bunduk-bundukan, hindi maabot ang tanaw. 
          10.  Mayroon akong gatang, hindi ko matingnan.
          11.  Dalawang magkaibigan, sabay nagbukas ng tindahan. 
          12.  Dalawang batong maitim, malayo ad nararating.
          13.  Isang bayabas, pito ang butas. 
          14.  Bahay ni Kaka, hindi matingala.
          15.  Eto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
          16.  Hawakan mo't naririto, hanapin mo't wala ito. 


            Mga sagot sa bugtong:

            1.  Binti
            2.  Bubganga
            3.  Buhok
            4.  Daliri
            5.  Dila
            6.  Baba
            7.  Dila
            8.  Kuko
            9.  Kilay
            10.  Leeg
            11.  Mata
            12.  Mata
            13.  Mukha
            14.  Noo
            15.  Paa
            16.  Tenga