Thursday, April 3, 2025

Bugtong tungkol sa mga Hayop

 


Mga halimbawa ng bugtong tungkol sa mga hayop:

1.  Bahay ni Ka Huli, haligi'y balibali, ang bubong
2.  Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
3.  Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko, ay gatas din ng anak mo.
4.  Hayop kong si Kolondrino, tubig and tirahan nito, luha ay pakitang tao.
5.  Ang abot ng paa ko'y, abot rin ng ilong ko.
6.  Nakakalakad ako sa lupa, nakakalangoy din ako sa sapa, nakakalipad din ako ng kusa.
7.  Ibon kong kay daldal-daldal,  ginagaya lang ang inuusal.
8.  Tag-ulan at tag-araw, hanggang tuhod ang salawal.
9.  Ang mukha'y parang tao, magaling lumukso.
10.  May ulo'y walang buhok, may tiyan walang pusod.
11.  Narito si Katoto,  may dala-dalang kubo.
12.  Di naman bulag, di makakita sa liwanag.
13.  Sa araw ay nahihimbing, sa gabi ay gising.
14.  Ang huni mo'y namimilipit, sakdal ka namang kay liit.
15.  Matanda na ang nuno, hindi pa naliligo. 








    Mga sagot sa bugtong:

    1.  Alimango
    2.  Aso
    3.  Baka
    4.  Buwaya
    5.  Elepante
    6.  Gansa / Bibi
    7.  Loro
    8.  Manok
    9.  Matsing
    10.  Palaka
    11.  Pagong
    12.  Paniki
    13.  Paniki
    14.  Pipit
    15.  Pusa





      No comments:

      Post a Comment