1. Tahimik kung malamig, sumasayaw kung mainit.
2. Hindi puno, hindi halaman,mga dahon niya'y karunungan.
3. Isang biyas na kawayan, maraming lamang kayamanan.
4. Perlas na labis ang kinang, tubig ang pinanggalingan, nang bumalik sa pinagmulan, natunaw na'y nawala pa ang kinang.
5. Isang matandang hukot, nakakatibag ng bundok.
6. Isang buntong, magkakaibigan, nagtatalikuran.
7. Nakalantad kung gabi, kung araw ay nakatabi.
8. Kung di pa sa liig pinigilan, di pa ako bibigyan.
9. Limang puno ng niyog; isa ang matayog.
10. Kundi lamang sa bibig ko, ay nagutom ang barbero.
11. Isang mataas na kahoy, maliwanag ang dahon.
12. May hita, walang binti, may ngipin ay walang labi.
13. Maliit pa si kapatid, marunong nang umawit.
14. May bintana, walang bubungan may pinto, walang hagdanan.
15. Bahay ng kapre, iisa ang haligi.
16. Pitong bundok, pitong lubak, tigpipitong anak.
17. Sundalong patpat, insekto sa ulo ay pinupuksang ganap.
18. Binalangkas ko nang binalangkas, bago ko inihampas.
19. Takot ako sa isa, matapang ako sa dalawa.
20. Maging puti, maging pula, sumusulat sa tuwina.
1. Abaniko
2. Aklat
3. Alkansiya
4. Asin
5. Araro
6. Bakod
7. Banig
8. Bote
9. Daliri
10. Gunting
11. Kandila
12. Kudkuran
13. Kuliglig
14. Kumpisalan
15. Payong
16. Sungkaaan
17. Suyod
18. Trumpo
19.Tulay na kawayan
20. Yeso / Chalk
No comments:
Post a Comment