Mga halimbawa ng bugtong na may sagot:
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
2. Pitak-pitak, silid-silid, pinto man ay di masilip.
3. Eto na si Amain, nagbibili ng hangin.
4. Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
5. Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
6. Bahay ko sa Pandakan, malapad ang harapan
7. Bahay ni Mang Kulas, nang magiba'y tumaas.
8. Maliit na parnag sibat, sandata ng mga pantas.
9. Sundalong Negro, nakatayo sa kanto.
10. Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay.
11. Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw.
12. Panakip ito sa inuming nakabotelya, yari ito sa bilog na lata.
13. Gawa ito sa kinayas na kawayan, lalagyan ng santol, mangga at pakwan.
14. Nang hawak ko ay patay, nang itinapon ko ay nabuhay.
15. Maraming paa, walang kamay, may pamigkis sa baywang ang ulo'y parang tagayan, alagad ng kalinisan.
1. Kandila
2. Kawayan
3. Musikero
4. Niyog
5. Ngipin
6. Pantalan
7. Payong
8. Pluma
9. Poste
10. Pusa
11. Sobre
12.Tansan
13. Tiklis
14. Trumpo
15. Walis
No comments:
Post a Comment