- Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
- Puno ay layu-layo, dulo'y tagpu-tagpo.
- Sinakal ko muna, bago ko nilagari.
- Instrumentong pangharana, hugis nito ay katawan ng dalaga.
- Sa bahay ko isinuksok, sa gubat ko binunot.
- Dalawang katawan, tagusan ang tadyang.
- Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan.
- Tinuktok ko ang bangka, naglapitan ang mga isda.
- Ang sariwa'y tatlo na, ang maitim ay maputi na, ang bakod ay lagas na.
- Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
- Matibay ng luma kaysa bago.
- Hindi ako sikat na pilosopo, tulad ng henyong kapangalan ko, pero mahal din ako ng tao, dahil kinakainan ako.
- Sandata ng mga paham, papel lamang ang hasaan.
- Buto't balat, lumilipad.
- Aso ko sa Muralyon, lumukso ng pitong balon.
- Lumalalim kung bawasan, bumababaw kung dagdagan.
- Naligo si Isko, di nabasa ang ulo.
- Buhok ng pare, hindi mahawi.
- Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
- Nakakaluto'y walang init, umuusok kahit na malamig.
Mga sagot sa bugtong:
- Anino
- Bahay
- Biyolin
- Gitara
- Gulok
- Hagdanan
- Kalendaryo
- Kampana
- Matanda
- Payong
- Pilapil
- Plato
- Pluma
- Saranggola
- Sungkaan
- Tapayan
- Tapon
- Tubig
- Unan
- Yelo
No comments:
Post a Comment