1. Lumalakad nang walang paa, maingay paglapit niya.
2. Bahay ng aluwagi, iisa ang haligi.
3. Sa maling kalabit, buhay ang kapalit.
4. Uka na ang tiyan, malakas pang sumigaw.
5. Banga ng pari, pauli-uli.
6. Pampalapot sa sarsa, almirol sa kamiseta.
7. Araw-araw bagong buhay, taun-taon namamatay.
8. Lupa ni Mang Juan, kung sinu-sino ang dumadaan.
9. Urong sulong, lumalamon.
10. Butasi, butasi, butas din ang tinagpi.
11. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
12. Nagtago si Pedro, labas ang ulo.
13. Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa't madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo.
14. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
15. Isang tingting na matigas, nang ikiskis ay namulaklak.
16. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
17. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
18. Kalesa ko sa Infanta, takbo nang takbo pero nakaparada.
19. Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan.
20. Tumakbo si Kaka, nabiyak ang lupa.
No comments:
Post a Comment