Thursday, April 17, 2025

Bugtungan Tayo - Series 6

 


Mga halimbawa ng iba't - ibang bugtong na may sagot: 

1.  Isiniksik bago kinalabit, malayo ang sinapit.
2.  Kakalat-kalat, natisud-tisod, ngunit kapag tinipon, matibay ang muog. 
3  .Dalawang magkaibigan, magkadikit ang baywang;kapag silay'y nag papasyal, nahahawi ang daanan. 
4.  Ang anak ay nakaupo na, ang ina'y gumagapang pa.
5.  Halaman ng dunong, walang dilig maghapon, araw-araw kung bilangin isang taon kung tapusin.
6.  Baboy ko  sa Sorsogon, kung di sakyan, di lalamon.
7.  Pinilit na mabili, saka ipinambigti.
8.  Pagmunti'y may buntot, paglaki ay punggok.
9.  Bahay ni Gomez, punung-puno ng perdigones.
10.  Bagama't nakatakip ay naisisilip.
11.  Walang sala ay ginapos,  tinapakan pagkatapos.
12.  Huminto nang pawalan,  lumakad nang talian.
13.  Paruparo nang bata, naging ahas ng tumanda.
14.  Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray.
15.  Isang suman magdamag kong tinulugan.



Mga Sagot sa bugtong:


1. Baril
2. Bato
3. Gunting
4. Kalabasa
5. Kalendaryo
6. Kudkuran
7. Kurbata
8. Palaka
9. Papaya
10. Salamin sa mata
11. Sapatos
12. Sapatos
13. Sitaw
14. Talong
15. Unan





Wednesday, April 16, 2025

Bugtungan Tayo - Series 5

 



Iba't - ibang halimbawa ng bugtong na may sagot:

1. Mayroon akong matapat na alipin, sunod nang sunod sa akin.
2.  Tatlong hukom, kung wala ang isa'y hindi makakahatol.
3.  Kung sa isda, ito ay dagat, kung sa ibon, ito'y pugad, lungga naman kung ahas,  kung sa tao, ano ang tawag?
4.  Isinuot, humiyaw, umusok.
5.  Alalay kong bilugan, puro tubig ang tiyan.
6.  May bibig walang panga, may tiyan walang bituka;may suso walang gatas, may puwit walang butas.
7.  Wala pa ang giyera, wagayway na ang bandera.
8.  Takbo doon, takbo rito, hindi makaalis sa tayong ito.
9.  Bahay ni San Vicente, punong-puno ng dyamante.
10. Dalawang patpat, sabay lumapat.
11.  Rubi na nanggaling sa brilyante, brilyante na nanggaling sa rubi. 
12.  Ako'y aklat ng panahon, binabago taun-taon.
13.  Lumabas, pumasok, dala-dala ay panggapos  
14.  Walang hininga ay may buhay, walang paa ay may kamay, mabilog na parang buwan, ang mukha'y may bilang.
15.  Ang lokong si Hudas,  dila ay tsini-tsinelas.
16.  Likidong itim, pangkulay sa lutuin.
17.  Nang hinawakan ko'y namatay, Nang itapon ko'y nabuhay.
18.  Isang malaking suman, sandalan at himlayan.
19.  Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.  
20.  Isang pirasong tela lang ito, sina-saluduhan ng mga sundalo. 


    Mga sagot sa bugtong:
    1. Anino
    2. Apog, ikmo at bunga
    3. Bahay
    4. Baril
    5. Batya
    6. Bayong
    7. Dahon ng Saging
    8. Duyan
    9. Granada
    10. Gunting
    11. Itlog
    12. Kalendaryo
    13. Karayom
    14. Orasan
    15. Suso
    16. Toyo
    17. Trumpo
    18. Unan
    19. Walis
     20. Watawat



    Tuesday, April 15, 2025

    Bugtugan Tayo - Series 4

     


    Mga halimbawa ng iba't ibang bugtong: 

    1.  Tahimik kung malamig, sumasayaw kung mainit.
    2.  Hindi puno, hindi halaman,mga dahon niya'y karunungan.
    3.  Isang biyas na kawayan, maraming lamang kayamanan.
    4.  Perlas na labis ang kinang, tubig ang pinanggalingan, nang bumalik sa pinagmulan, natunaw na'y nawala pa ang kinang.
    5.  Isang matandang hukot, nakakatibag ng bundok.
    6.  Isang buntong, magkakaibigan, nagtatalikuran.
    7.  Nakalantad kung gabi, kung araw ay nakatabi.
    8.  Kung di pa sa liig pinigilan, di pa ako bibigyan.
    9.  Limang puno ng niyog; isa ang matayog.
    10.  Kundi lamang sa bibig ko, ay nagutom ang barbero.
    11.  Isang mataas na kahoy, maliwanag ang dahon.
    12.  May hita, walang binti, may ngipin ay walang labi.
    13.  Maliit pa si kapatid, marunong nang umawit.
    14.  May bintana, walang bubungan may pinto, walang hagdanan.
    15.  Bahay ng kapre, iisa ang haligi.
    16.  Pitong bundok, pitong lubak, tigpipitong anak.
    17.  Sundalong patpat, insekto sa ulo ay pinupuksang ganap.
    18.  Binalangkas ko nang binalangkas, bago ko inihampas.
    19.  Takot ako sa isa, matapang ako sa dalawa.  
    20.  Maging puti, maging pula,  sumusulat sa tuwina.

      Mga sagot sa bugtong: 
      1. Abaniko
      2. Aklat
      3. Alkansiya
      4.  Asin
      5. Araro
      6. Bakod
      7. Banig
      8. Bote
      9. Daliri
      10. Gunting
      11. Kandila
      12. Kudkuran
      13. Kuliglig
      14. Kumpisalan
      15. Payong
      16. Sungkaaan
      17. Suyod
      18. Trumpo
      19.Tulay na kawayan
      20. Yeso / Chalk


      Monday, April 14, 2025

      Bugtungan Tayo - Series 3

       


      Mga halimbawa ng bugtong na may sagot:

      1.  Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
      2.  Pitak-pitak, silid-silid, pinto man ay di masilip. 
      3.  Eto na si Amain, nagbibili ng hangin.
      4.  Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
      5.  Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
      6.  Bahay ko sa Pandakan, malapad ang harapan
      7.  Bahay ni Mang Kulas, nang magiba'y tumaas.
      8.  Maliit na parnag sibat, sandata ng mga pantas.
      9.  Sundalong Negro, nakatayo sa kanto.
      10.  Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay.  
      11.  Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw.
      12.  Panakip ito sa inuming nakabotelya, yari ito sa bilog na lata.
      13.  Gawa ito sa kinayas na kawayan, lalagyan ng santol, mangga at pakwan.
      14.  Nang hawak ko ay patay, nang itinapon ko ay nabuhay.
      15.  Maraming paa, walang kamay, may pamigkis sa baywang ang ulo'y parang tagayan, alagad ng kalinisan.


        Mga Sagot sa bugtong

        1. Kandila

        2. Kawayan 
        3. Musikero
        4. Niyog
        5. Ngipin
        6. Pantalan
        7. Payong
        8. Pluma
        9. Poste
        10. Pusa
        11. Sobre
        12.Tansan
        13. Tiklis
        14. Trumpo
        15. Walis


        Sunday, April 13, 2025

        Bugtungan Tayo - Series 2

         



        Mga halimbawa ng bugtong na may sagot
        1.  Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. 
        2.  Puno ay layu-layo, dulo'y tagpu-tagpo.
        3.  Sinakal ko muna, bago ko nilagari. 
        4.  Instrumentong pangharana, hugis nito ay katawan ng dalaga. 
        5.  Sa bahay ko isinuksok, sa gubat ko binunot. 
        6.  Dalawang katawan, tagusan ang tadyang.
        7.  Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan. 
        8.  Tinuktok ko ang bangka, naglapitan ang mga isda. 
        9.  Ang sariwa'y tatlo na, ang maitim ay maputi na, ang bakod ay lagas na.
        10.  Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan. 
        11.  Matibay ng luma kaysa bago. 
        12.  Hindi ako sikat na pilosopo, tulad ng henyong kapangalan ko, pero mahal din ako ng tao, dahil kinakainan ako.
        13.  Sandata ng mga paham, papel lamang ang hasaan.
        14.  Buto't balat, lumilipad.
        15.  Aso ko sa Muralyon, lumukso ng pitong balon.
        16.  Lumalalim kung bawasan, bumababaw kung dagdagan.
        17.  Naligo si Isko, di nabasa ang ulo.
        18.  Buhok ng pare, hindi mahawi.
        19.  Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
        20.  Nakakaluto'y walang init, umuusok kahit na malamig.

        Mga sagot sa bugtong:
        1. Anino
        2. Bahay
        3. Biyolin
        4. Gitara
        5. Gulok
        6. Hagdanan
        7. Kalendaryo
        8. Kampana
        9. Matanda
        10. Payong
        11. Pilapil 
        12.  Plato
        13.  Pluma
        14.  Saranggola
        15.  Sungkaan 
        16.  Tapayan 
        17.  Tapon
        18.  Tubig
        19.  Unan
        20.  Yelo

        Saturday, April 12, 2025

        Bugtungan Tayo - Series 1


        Mga halimbawa ng bugtong na may sagot tungkol sa iba't ibang bagay. 

        1.  Lumalakad nang walang paa, maingay paglapit niya.
        2.  Bahay ng aluwagi, iisa ang haligi.
        3.  Sa maling kalabit, buhay ang kapalit. 
        4.  Uka na ang tiyan, malakas pang sumigaw. 
        5.  Banga ng pari, pauli-uli. 
        6.  Pampalapot sa sarsa, almirol sa kamiseta.
        7.  Araw-araw bagong buhay, taun-taon namamatay.
        8.  Lupa ni Mang Juan, kung sinu-sino ang dumadaan. 
        9.  Urong sulong, lumalamon.
        10.  Butasi, butasi, butas din ang tinagpi. 
        11.  Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
        12.  Nagtago si Pedro, labas ang ulo.
        13.  Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa't madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo.
        14.  Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
        15.  Isang tingting na matigas, nang ikiskis ay namulaklak.
        16.  Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. 
        17.  May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
        18.  Kalesa ko sa Infanta, takbo nang takbo pero nakaparada. 
        19.  Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan. 
        20.  Tumakbo si Kaka, nabiyak ang lupa.



          Mga sagot sa bugtong:  
          1.  Alon
          2.  Bahay ng Kalapati
          3.  Baril
          4.  Batingaw
          5.  Duyan
          6.  Gawgaw
          7.  Kalendaryo
          8.  Kalsada / Langsagan
          9.  Lagari
          10.  Lambat
          11.  Mais
          12.  Pako
          13.  Pangalan
          14.  Pluma
          15.  Posporo
          16.  Sampayan
          17.  Sandok
          18.  Silyang tumba-tumba
          19.  Yoyo
          20.  Zipper








            Wednesday, April 9, 2025

            Bugtong tungkol sa Prutas

             



            Mga halimbawa ng bugtong tungkol sa prutas:

            1.  Nakayuko ang reyna, di nalalaglag ang korona.
            2.  Langit ang paligid, ang gitna ay tubig.
            3.  Munting uling, bibitin-bitin, masarap kanin, mahirap kunin.
            4.  Mabaho kung amoy ang pag-uusapan, pero prutas itong may kasarapan.
            5.  Hindi naman anak ng kalabaw, may maraming maliit na sungay.
            6.  Anong prutas sa mundo ang nakalabas ang buto?
            7.  Kay liit at saksakan ng asim, ngunit sa sawsawan ay laging kapiling.
            8.  Hindi tao, hindi hayop, pilos ang damit nito.
            9.  Hindi tao, hindi hayop may buhok.
            10.  Kampanilya ni Kaka, laging mapula ang mukha.
            11.  Butong binalot ng balat, lamang binalutan ng katad.
            12.  Pulang-pula ang kulay, laging sa guro ay iniaalay.
            13.  Bolang luntian, pula ang laman, mga buto'y itiman.
            14.  Sinampal muna, bago inalok
            15.  Kung tawagin nila ay santo, di naman milagroso.




              Mga Sagot:

              1.  Bayabas
              2.  Buko
              3.  Duhat
              4.  Durian
              5.  Guyabano
              6.  Kasoy
              7.  Kalamansi
              8.  Mabolo
              9.  Mais
              10.  Makopa
              11.  Mangga
              12.  Mansanas
              13.  Pakwan
              14.  Sampalok
              15.  Santol